Netizen, Na-Scam sa “Sana All” Challenge; Imbes na Libre, Pinagbayad Siya sa Inihatid na Pagkain

Isang netizen ang nagbahagi ng kaniyang karanasan sa trending na “sana all” challenge, ngunit imbes na libre ay siya pa ang pinagbayad ng pagkaing hindi niya in-order. Kinaaliwan ngayon online ang post ni Jefrey Son Capantoc dahil sa kaniyang kwentong “sana all”. Dahil sa nauuso itong challenge sa social media, nakigaya na rin si Capantoc rito.

Akala niya matutupad na ang kaniyang ninanais, nang isang araw ay biglang may paparating na order ng pagkain sa kaniyang tahanan. Laking gulat na lang niya ng malaman na hindi pa pala bayad ang pagkaing idi-deliver sa kanya. Idinaan na lang sa tawa ni Capantoc ang lahat. Bagama’t hindi niya inaasahan ang pangyayari ay binayaran na lamang niya ang order.

Bago pa matapos ang kanyang kwento ay may mensahe siyang iniwan para sa nag order at sa para sa mga netizen na nakikiuso rin sa challenge. Ayon sa kaniya ay kung sino man ang nagpadala ng pagkain sa akin, please naman pakibayaran daw muna. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya. Matutuwa ba siya o maiinis.

Huwag na raw ipamahagi sa iba dahil hindi naman lahat libre at baka sila pa ang magbayad sa huli. Maraming mga netizens ang naaliw at naawa sa kaniya dahil sakaniyang sinapit ngunit ito ay isang lesson para kay Jefrey na mag-ingat lalo na sa ibang tao na malaman ang buong detalye nila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *