Netizen, Nagbenta Online ng mga Fan Art Portrait Upang Maipaggamot ang Ina

Humihingi ng tulong sa social media ang isang fan artist kung saan ibinebenta niya ang mga sariling gawang drawings para pampagamot sa kanyang nanay na nasa ospital ngayon. Ipinost ni Ritzel Obreque Oyao ang kanyang mga drawings na ibinebenta sa kanyang Facebook account. Aniya, kailang kailan niya lang ang pera ngayon para pambayad sa 0spital dahil sakanyang inang in@tak3 sa pus0. Kwento niya, walang PhilHealth ang kanyang ama kaya nagdesisyon siyang ibenta ang mga drawings upang makalikom ng pera.

Ang kanyang mga sariling likha ay umani ng maraming papuri dahil sa galing niyang magpinta. Iba’t ibang sikat na personalidad ang kanyang iginuhit, mayroong international artist na gaya ni Dua Lipa, Taylor Swift, Selena Gomez, Billie Eilish, Lisa Manoban at Jennie ng K-Pop group na Blackpink, at Tae Hyung o V ng BTS. Sa mga local artist naman ay naroon si James Reid, Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Liza Soberano, Kim Chiu, Sue Ramirez, Mariz Racal, Jhong Hilario, Ion Perez, Vice Ganda, Vhong Navarro, Anne Curtis, Amy Perez, Teddy Corpuz, Mariel Rodriguez, Karylle, Billy Crawford, Ryan Bang, Ate Girl Jackie, at Jugs Jugueta.

Makalipas lang ang ilang oras ay halos sold out na lahat ng drawings ni Ritzel at lahat ng local artist ay nabili na rin. Dahil sa taglay na talento ni Ritz ay mabilis nabenta ang kanyang mga drawings online at umani pa ito ng maraming suporta mula sa mga netizens. Tinangkilik ng mga netizen ang mga likha ni Ritz dahil sa kanyang galing. Marami ring nanalangin para sa kanyang inang nasa 0sp!t@l.

 

Samantala, naglagay rin ng contact number at bank account si Ritz para sa mga mabubuting puso na nais magbigay ng donasyon. Nagbigay rin siya ng paalala sa mga nais tumulong dahil maraming naglipana na scammer na maaaring gamitin ang kanyang pangalan. Makalipas ang 21 oras, umabot na ng 71,000 shares at 56,000 reactions ang nasabing post.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *