Netizen, Nanawagan Para Tulungan Ang Isang Lalaking May Karamdaman At Nanlilimos Para Sa Anak

Minsan, gustuhin man ng isang padre de pamilya na kumayod at mag-hanap buhay para sa kanyang pamilya ay napipigilan siya ng tadhana lalo na’t kung mayroon siyang iniindang sakit o karamdaman. Ang mahirap pa ay kung wala naman siyang ibang malapitang kaibigan o kamag-anak na tutulong o magpapahiram sa kanya ng pera.

Katulad na lamang ng isang amang ito na panlilimos na lamang ang kanyang nahanap na solusyon para matulungan siya at magkaroon ng pambili ng panggatas ng kanyang anak.



Ibinahagi ng netizen na si Robert Hendrick Salvador sa isang Facebook post ang kanyang panawagan para matulungan ang lalaking kanyang nakitang nanlilimos sa gilid ng kalsada.

Aniya,

“Patulong naman kay kuya nasa tabi po siya ng gate ng Central Philpost ParaƱaque. Sa tabi na ginagawang tulay. Mababasa naman po nyo mga hinanaing nya.”

Saad pa ng netizen ay nakita niya ang lalaki na habang nakaupo sa gilid ng kalsada ay umiiyak. Hiling niya na baka sakaling may makakita rito at matulungan siya kung kaya’t ibinahagi niya ang larawan nito sa social media.

Photo Credits: Robert Hendrick Salvador/ Facebook

Bakas sa mga mata ng lalaki ang lungkot habang hawak ang placard na may nakasulat na,

“Pasensya po wala lang po akong ibang malapitan. Sobrang hirap nako sa pangkain at pang-gatas ng aking tatlong anak at saking luslos sa bituka. God bless. Parang awa niyo na po pls.”

Maaaring hindi makahanap ng trabaho ang lalaki dahil sa kanyang iniindang karamdaman, pero kailangan niyang humanap ng ibang paraan para may pangkain at panggatas ang kanyang mga anak.



Samantala, ang mga netizens naman ay nananawagan sa mga malalaking programa tulad ng Raffy Tulfo in Action at Kapuso Mo Jessica Soho na sana ay mapansin at matulungan ang lalaki.

Ngunit mayroong mga komentong negatibo ang ilang mga netizens at sinasabi na baka hindi naman totoo ang pinagdadaanan ng lalaki at baka scam lamang ito. Pero sagot ng ilang netizen na bago manghusga ng kapwa ay subukan munang tumulong. Yan raw kasi ang mahirap sa atin, mas inuuna ang panghuhugsga bago paniwalaan at alamin ang tunay na pinagdadaan ng ating kapwa.

Sana lang ay matulungan na nga si kuya.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *