Netizens Naawa Sa Isang Lolang Nagtitinda Ng Kakanin Dahil Binayaran Ng Pekeng Php500

Nakakalungkot isipin na kung sino pa ang marangal na naghahanap buhay ay sila pa ang nabibiktima ng mga manloloko. Iyan ang naranasan ng isang lola na nagtitinda ng kakanin matapos mabayaran ng pekeng limang daang piso ng isang babaeng suspect.

Ayon sa post ng Philippine Star, iniupload ng isang netizen na nagngangalang Mylyn Tupas ang mga larawan ng kakanin vendor na si Liusa Fineza o mas kilala bilang Nanay Liza.



Aniya, “Kung sino kamang babae ka na nanloko dito kay Nanay Liza, multihin ka sana ng konsensya mo, ang kapal ng mukha mo. Kung sino pa mahirap siya pa niloloko. Maawa naman kayo.”

Photo credits: Philippine Star/ Facebook

Dagdag pa nito, “Hindi ka na naawa sa matanda binayaran mo ng pekeng 500 halos nanlumo yung matanda dahil nakuha mo ang puhunan niya. Nakakuha ka na ng halagang 80 pesos na kakanin nasuklian ka pa ng 420 pesos sa peke mong pera.”

Kwento ni Tupas na ito raw ang pangatlong pagkakataon na nabiktima si Nanay Liza ng pekeng pera. Pilit rin daw niyang hinanap sa CCTV yung taong nanloko dahil ang galing raw nitong magtago kung kaya’t naisip na lamang niya itong ipost sa social media.



Si Tupas ay isa raw malapit na kaibigan ng pamilya ni Nanay Liza. Aniya na 76 taong gulang na ang matanda at dati raw itong guro bago pa magtinda ng mga kakanin sa may A. Bonifacio Avenue sa San Roque, Cainta, Rizal.

Photo credits: Philippine Star/ Facebook

Makalipas ang ilang araw nang mag viral ang post ni Tupas ay may mga mababait na netizens na hiningi ang contact details ni Nanay Liza upang sorpresahin siya ng mga donasyon mula sa iba’t ibang mga tao.

Ani Tupas na nagulat raw siya dahil wala naman siyang intensyong humingi ng tulong para sa matanda. Hindi rin daw nila inaakala na marami tutulong sa kakanin vendor at nagpaabot ng pinansiyal na donasyon.

Photo credits: Philippine Star/ Facebook

Sa hirap ng buhay ngayon, marami na talagang mga taong manloloko at gagawa ng masama para lang sa pera. Ang masaklap pa rito, ang mga nabibiktima nila ay iyong mga nagpapakahirap na maghanap buhay para lang may pantustos sa araw araw. Sana kung sino man ang mga taong gumagawa nito ay makonsensya na at itigil na ang panloloko sa kapwa.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *