Netizens Tinulungan ang Isang 89 Years Old na Lola na Nagbebenta Pa rin ng Basahan Para Sa Kaniyang Mga Apo!

Gagawin ng mga magulang ang lahat ng kanilang makakaya para mabigyan ng maayos na kalagayan ang kanilang mga anak at kahit nga mahirap ang buhay ay nakakahanap sila ng paraan para makakain ang mga ito kahit na isang beses lang sa isang araw.

Ngunit sabi nga nila, mas higit ang pagmamahal ng mga lolo at lola sa kanilang apo dahil ito ang nagbibigay ng kaligayan at kalakasan sa panahon ng kanilang katandaan.

Sa katunayan, isang lola ang naging viral kamakailan lang nang ibahagi ng concerned netizen na si Kathrina ang kwento ni Lola sa isang Facebook post.

“Christmas is the season of giving. Meet Lola Ibyang. She’s already 89 years old but still working hard for her grandchildren,” pangbungad na sabi ni Kathrina sa kaniyang post.

Sa mga larawang ibinahagi niya ay makikita kung gaano na katanda si lola at kinakatok nito ang mga nagdadaang sasakyan para i-alok ang kaniyang paninda na basahan na nagkakahalaga ng 100 pesos kada balot.

Sa pamamagitan nga ng kaniyang post ay hinikayat niya ang kapwa netizens na bumili sa matanda kung sakaling madaan ang mga ito sa Daang Hari SB malapit sa T-intersection ng Commerce Avenue sa Maynila.

Madalas na makita si Lola Porferia o mas kilala bilang Lola Ibyang sa lugar na ito simula 2pm hanggang 5pm. Sa 100 pesos na kita ay 20 pesos lamang ang napupunta sa matanda dahil ang iba ay kailangan niyang ibalik sa supplier ng mga basahan.

Ayon pa sa netizen, 2015 pa nila unang nakita ang matanda sa kalye at madalas silang bumili dito ng basahan para na rin makatulong.

Nagpaabot na din siya ng mensahe sa kilalang vlogger na si Hungry Syrian Wanderer o kilala rin sa tawag na Basel noong nakaraang November 2019 at ipinadala ang ilang larawan na nagpapakita ng kalagayan ni Lola Ibyang. Umaasa siya na sana ay matulungan nito ang matanda lalo na at kilala ang vlogger sa pagtulong sa mga maralita.

Samantala, nagpaalala rin si Kathrina sa ilang netizens na tigilan na ang pang-babash sa mga apo at ilang pamilya ni Lola Ibyang at tumulong nalang ng hindi na nagbibitaw ng masasakit na salita dahil hindi nila alam ang tunay na paghihirap at kalagayan ng mag-anak.

“…Again, wag na sana mambash ang mga tao. Kung gusto tumulong, tumulong nlng na wala nang maxadong madaming hanash. Tsk!,” dagdag pa niya.

Samantala, ang ilang netizens na nakatawag pansin sa kwento ni Lola ay naisipan nilang bigyan ito ng kaunting tulong. Binigyan nila ng dalawang box ng goods at groceries si Lola upang mayroong makain at maibenta.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *