Paano Tanggalin ang Tinik na Nanatili sa Lalamunan? Ito ang Paraan Upang Mawala Ito!

May iba’t ibang klase ng isda ang maaari nating mabili sa palengke, ngunit hindi natin maitatanggi na kung minsan kapag tayo ay kumakain ng isda, hindi tayo nagiging maingat hanggang sa makalunok tayo ng tinik nito. Ang mga isda tulad ng tamban at bangus ay mga halimbawa ng isda na naglalaman ng napakaraming tinik.

Minsan sa ating pagkain ng isda, hindi talaga maiwasan ang pagkakabara ng tinik sa ating lalamunan kahit anong klaseng ingat ang ating gawin. Ito ay tuloy-tuloy na magpapahirap sa iyong sitwasyon hangga’t ang tinik ay nananatili sa inyong lalamunan.

Kung nakaranas ka nang matinik, alam mo ang eksaktong pakiramdam kung paano at gaano kahirap ang mayroong nakabarang tinik sa lalamunan. Kung ikaw ay nagbabalak na tanggalin ito ng sapilitan sa pamamagitan ng pagsuka ng lahat ng iyong kinain, hindi ito ang nararapat na gawin sapagkat maaaring mairritate ang inyong lalamunan.




Para matanggal ang tinik sa iyong lalamunan, subukan ang mga paraan na ito:

1. Mas mainam daw na kumain ng isang malaking kagat na saging at wag ito nguyain. Biglain ng lunok ang saging upang mapasama ang nakabarang tinik sa iyong lalamunan.

2. Kumuha ng kanin at bilugin ito, pagkatapos ay lunukin ng buo upang sa pagdaan ng kanin sa lalamunan ay matanggal na ang tinik ng isda.

At kung ikaw naman ay maghahanap ng mga kasagutan sa pamamagitan ng pagbrowse sa internet, ito ang maaaring ibigay sa iyo na payo kapag ikaw ay natinik sa pagkain ng isda:

3. Bumili ng tinapay na malambot kagaya ng mga sliced bread, pagkatapos ay pindot pindutin ang tinapay hanggang sa maging solid at mawala ang hangin. Lunukin ang tinapay.

4. Bumili ka ng marshmallow at kumain ng kumain nito hanggang sa mawala at mapasama ang tinik.

Kung ang mga sumusunod na payo na nakasulat dito ay hindi pa din umeepekto at ang tinik ay nananatili pa din sa iyong lalamunan, mas mainam na bumisita na agad sa Doktor para sa mas mabuti at ligtas na pagsasagawa ng treatment.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *