Pag Gusto, May Paraan! Nanay Nagpaturo Sa Guro Para Maturuan Ang Anak Sa Kanilang Module

Ayon nga sa kasabihan, ‘Pag gusto may paraan.’ Alam naman natin na gagawin ng magulang ang lahat ng kanyang makakaya para sa ikabubuti ng kanyang anak. Kahit na pa dumaan pa siya sa butas ng karayom.

Napakalaki talagang pagsubok ang bagong paraan ng pag-aaral ngayon. Hindi lamang sa mga estudyante kundi maging sa mga magulang. Kung dati kasi sa nakasanayan na teacher-student at classroom set-up, ngayon ang mga magulang ang nagsisilbing mga guro sa kanilang mga anak para maturuan sila sa kanilang mga leksyon sa eskwelahan.



Katulad na lamang ng sitwasyon na nararanasan ngayon ng pamilya Pardeno na ibinahagi sa Facebook page na DepEd Tayo Imus City. Nasa ika-anim na baitang ang batang si Ralph Jonas Pardeno.

Photo Credits: DepEd Tayo Imus City/ Facebook

Pero dahil ang kanyang ama ay isang contractual driver na sumasahod lamang ng minimum wage at ang kanyang ina ay isang full time housewife, wala silang sapat na pera para sana sa pambili ng cellphone at magpalagay ng internet sa bahay.

Kung kaya’t ang napili nilang paraan sa pag-aaral ng kanilang anak ay modular learning. Pero dahil ang mga magulang ni Ralph ay high school lamang ang natapos, malaking pagsubok ang kinakaharap ng kanyang ina para maturuan siya sa kanyang mga aralin.



Kaya naman ang ina na si Josephine Pardeno ay inihanda ang kanyang sarili sa kakaharaping obligasyon nito pero hindi niya sukat akalain na ganoon na pala kahirap ang mga aralin sa Grade 6 lalo na sa Mathematics.

Kung kaya’t naglakas loob siyang humingi ng tulong kay teacher Arly Flores, isang guro sa Math. Nagpaturo si Josephine sa guro para maibahagi niya ang kanyang nalaman sa kanyang anak na si Ralph at para magabayan niya ito sa pagsagot sa kanilang module. Binigyan rin siya nga mga notes para hindi siya malito.

Photo Credits: DepEd Tayo Imus City/ Facebook

Wika ng guro,

“Na-appreciate ko ang kanyang ginawa. Maraming magulang ang nahihirapan pero bukod tangi siyang nagsadya pa dito sa school para magpaturo. Tanda na committed talaga siya sa kanyang tungkulin. Sana all.”



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *