Professional Teacher, Naging Waiter Sa Kuwait: I’ve Swallowed All My Pride

Minsan kahit gaano pa natin kagusto na sundan ang propesyon na ating natapos, nagbabago ito dahil iba ang nakatadhana para sa atin. Ngunit ang importante naman ay kahit hindi nasunod ang ating plano ay naabot natin ang ating mga pangarap sa bandang huli.

Ibinahagi ng netizen na si JM Papa ang kanyang mga pinagdaanan mula sa pagiging isang professional licensed teacher sa pagiging waiter sa ibang bansa para lang maabot ang kanyang pangarap sa sarili at para sa kanyang pamilya.



Bahagi niya na graduate siya sa isa sa mga prestihiyosong unibersidad sa Pilipinas, ang De La Salle University- Dasmariñas noong 2015 at sa parehas na taon ay nakuha rin niya ang kanyang lisensya bilang isang professional teacher. Naging consistent siya sa pagiging university at government scholar. At sa dami ng kanyang na-achieve ay talaga namang proud ang pamilya niya sa kanya.

Ngunit dumating ang araw na kailangan niyang mangibang bansa dahil hindi naman ganoon kalaki ang sinasahod ng mga guro dito sa Pilipinas. Kaya naman lumipad siya patungong Middle East ngunit ang naging trabaho niya doon ay isang waiter na pinagsisilbihan ang mga Arabo sa isang casual-dining restaurant.

Photo Credits: JM Papa/ Facebook

Aniya, “From a high-achieving individual to a waiter.” Tanong rin ng kanyang mga kasamahan sa trabaho kung bakit mas pinili niya ang ganoong trabaho samantalang napakaganda ng kanyang propesyon. Pero ginawa niya raw ito dahil nais niyang matupad ang mga pangarap niya at ng kanyang pamilya.

Kung pagbabasehan kasi sa sahod, tiyak na mas malaki ang kikitain niya bilang isang waiter. Kung kaya’t nilunok na lamang daw niya ang kanyang pride at pinagpatuloy ang kanyang pagsisilbi bilang isang waiter.



Hindi naman sa minamaliit daw niya ang trabaho ng mga waiter ngunit para sa kanyang sarili ay naramdaman niyang napakaliit at napakabababa niya. Pero sa paglipas ng panahon, unti-unti niya itong natanggap sa kanyang sarili hanggang sa makabili siya ng bahay sa isang subdivision para sa kanyang pamilya at makakuha ng insurance.

Wika niya, “It’s not bad at all to sometimes swallow your pride for your dreams.”

Kahit na ganito pa man, saad niya na hindi siya naging proud sa kanyang sarili kahit na sa mga tagumpay na kanyang nakamit. Nawalan siya ng kumpyansa sa kanyang sarili dahil hindi napapansin ang kanyang effort bilang isang mabuting empleyado. At sa loob ng 3 taon ay hindi man siya napromote kahit na ibinuhos niya ang abot ng kanyang makakaya.

Photo Credits: JM Papa/ Facebook

Ngunit laking pasasalamat pa rin niya dahil naging mga ‘stepping stones’ ang mga pasubok niyang ito sa buhay upang malagay sa kinatatayuan niya ngayon. Sa awa ng Diyos ay nakalipat na siya ngayon sa isang prestihiyosong kumpanya sa Kuwait bilang isang Human Resource Coordinator. Muling nagbalik ang kumpyansa niya sa kanyang sarili dahil mayroong muling naniwala sa kanyang mga kakayahan.

Aniya,

“Life is indeed like a wheel. Sometimes, you’re up, sometimes, you’re down. Just keep on moving forward, continuously try to be the best version of yourself day by day & always see situations with a silver lining.”



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *