Pulis Nagboluntaryong Turuan Ang Isang Bata Sa Kanyang Module

Dahil sa ibang paraan ng pag-aaral ngayon ng mga estudyante na “modular o distant learning,” marami sa mga estudyante ang nahihirapang mag-adjust dahil ang iba ay wala namang magtuturo sa kanila sa bahay. Kung kaya’t malaki talaga itong pagsubok sa mga bata at pati na rin sa mga magulang dahil talagang kailangan nilang paglaanan ng oras ang kanilang mga anak upang maturuan at matutukan ang kanilang pag-aaral.

Ngunit sa kasamaang palad, may ibang mga bata talaga na wala naman talaga silang ibang maasahang magturo sa kanila kung kaya’t sila ay nahihirapan at nahuhuli sa pagsagot ng kanilang module.



Mabuti na lamang at mayroong ibang mga tao na may mabuting kalooban na handang tumulong at turuan ang mga batang nangangailangan ng assistance. Katulad na lamang ng isang police officer na ito na nakilala bilang si DCOP Police Lieutenant Bonifacio Pangad.

Photo Credits: PnpMtprovince Paracelis/ Facebook

Sa isang Facebook post na ibinahagi ng PnpMtprovince Paracelis, habang sila ay nagpapatrolya, isa sa kanilang personnel ang nagbigay ng libreng sakay sa isang estudyante na nakita nilang naglalakad sa daan dala-dala ang kanyang module.

Naghahanap raw kasi ang estudyante na may tumulong at magturo sa kanya tungkol sa kanyang module. Nang malaman ito ng officer ay walang pag-aalinlangang nagboluntaryo na siya na lamang ang magtuturo sa bata.



Naglaan ng oras si PLT Pangan upang maturuan at maipaliwanag sa bata kung paano niya sasagutan ang module na binigay sa kanila. Bukod pa rito ay binigyan niya rin ito ng facemaks bilang pamproteksyon.

Payo pa niya sa bata na mag-aral raw itong mabuti dahil napaka-importante ng edukasyon dahil para rin ito sa kanilang kinabukasan.

Photo Credits: PnpMtprovince Paracelis/ Facebook

 

Hinangaan naman ng mga netizens ang kabutihang loob na ipinakita ni PLT Pangan at sinabi na, ‘pulis na, teacher pa!” Sana ay mas dumami pa ang mga mabubuting tao na handang magturo at tumulong sa mga batang nangangailan ng assistance lalong lalo na’t kung para ito sa kanilang edukasyon.

Good job Sir! Keep up the good work!



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *