Pusang Nawala Ng Tatlong Araw: Gumala Na, Nagkaroon Pa Ng Utang!

Ang ating mga alagang hayop ay dapat nating binabantayan, ngunit minsan ay nakakatakas sila sa ating mga tahanan at naiiwan tayong nag-aalala sa kanila. Pero dahil mayroon namang ‘animal instincts’ ang mga ito ay alam nila ang kanilang babalikan.

Katulad na lamang ng isang pusang ito sa Thailand na halos mabahala ang kanyang amo dahil tatlong araw siyang nawawala. At sa kanyang pagbabalik ay may dala-dala pa itong sulat na para sa kanyang amo.



Labis na nag-alala ang amo ng pusa na si Chang Phuak nang malamang nawawala ang kanyang alagang pusa. Hindi niya alam kung saan ito nagpunta o kung napano na ito.

Photo Credits: @changpuaksiam/ Facebook

 

Mahilig raw talagang lumabas ng bahay sa umaga ang kanyang alaga ngunit bumabalik naman ito sa gabi. Ngunit sa pagkakataong ito ay hindi umuwi ang kanyang pusa, sa pag-aakala niyang baka naligaw ito kung kaya’t hindi makauwi.

Nag-alala rin ang may-ari dahil baka dahil sa ilang araw na siyang hindi bumabalik ay tiyak na nagugutom na ito. Ngunit makalipas ng tatlong araw ay heto’t nagbabalik ang kanilang pusa na mukhang maayos naman at tila walang nangyari sa kanya.



Sa pag-aakala ng kanyang amo na baka nangayayat na ito dahil baka walang makain sa loob ng tatlong araw ay umuwi pa itong busog. Iyon pala ay nakahanap pa siya ng lugar na kung saan ay binibigyan siya ng pagkain.

Ngunit napansin nila na mayroong nakasabit na sulat sa leeg ng pusa. At ang napag-alaman nila na napadpad pala ito sa isang palengke na kung saan binibigyan siya ng isda bilang pagkain.

Photo Credits: @changpuaksiam/ Facebook
Photo Credits: @changpuaksiam/ Facebook

Saad sa sulat,

“Your cat kept looking at the mackerels at my store so I gave it 3- Aunty may at alley no.2”

Nakakatuwang pusa! Gumala na nga, nagkaroon pa ng utang! Mabuti na lamang at mayroong isang ale na nagmagandang loob para bigyan siya ng isda at hindi siya hinayaang magutom. Pero tiyak na sa susunod na gagala na naman itong pusa ay babalikan niya ang ale na nagbibigay sa kanya ng pagkain.

Kung kayo ang may-ari ng pusa, hahanapin niyo ba ang ale na nagpautang ng kanyang mga panindang isda na kinain ng inyong alaga?



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *