Sam Milby At Catriona Gray Nag-donate Ng 50 Bisikleta Para Sa Mga Residente Ng Pasig

Hirap pa rin sa transportasyon ang karamihan sa ating mga kababayan dahil sa dulot ng pandemya. Kumonti kasi ang kapasidad ng mga pampublikong mga sasakyan kung kaya’t mas natatagalan at mas pahirapan ngayon sa pagbi-byahe.

Ang ilang mga manggagawa, mas pinipili na lamang nilang gumamit ng pribadong sasakyan, motor, bisikleta o di kaya ay naglalakad na lamang papunta sa kani-kanilang mga destinasyon upang hindi na mahirapan sa pagsakay o pag-commute.


Samantala, ang dating volleyball player at host na si Gretchen Ho ay nagsagawa ng proyekto na “Donate a Bike Save a Job” na sinimulan noong Agosto. Ang hangarin ng proyektong ito ay makapagbigay ng mga libreng bisikleta sa mga manggagawa na nahihirapang makapasok sa kani-kanilang mga trabaho dahil sa kakulangan sa transportasyon na dulot ng pandemya.

Photo Credits: Instagram/gretchenho

Kasama sa mga sumali sa magandang proyektong ito ay ang artistang si Sam Milby at Miss Universe 2018 na si Catriona Gray. Sila ay nag-donate ng 50 bisikleta para sa mga residente ng Pasig City.

Masayang ibinahagi ng beauty queen sa isang Instagram post ang kanilang collaboration ni Gretchen sa tulong ng Cornerstone Talents, Secret Scents at Medigrade Philippines sa pag-likom ng mga nasabing bisikleta.

Pinaunlakan naman ni Gretchen ang effort ni Catriona at sinabing, “From one SUPERWOMAN to another.”


Simula ng proyektong bike donation drive, ang orihinal na layunin nila na makapagdonate lamang ng 50 mga bisikleta ay lumagpas na at umabot na ng 500 bisikleta simula noong Agosto. Hangarin ng team na bago matapos ang taon ay 1,000 bisikleta na ang kanilang mai-donate sa mga mangagawa.

Malaking bagay na kasi ang maitutulong ng mga bisikletang ito upang makapagsimula muli ang ilang manggagawang nawalan ng trabaho. Maaari pa nilang gamitin ito upang sila ay muling makapag-hanap buhay tulad ng pagiging delivery bike rider.

Photo Credits: Instagram/gretchenho

Samantala, marami ang humanga sa kabutihang loob ng magkasintahang Sam at Catriona gayundin sa host na si Gretchen dahil sa kanyang effort sa pagsasagawa ng donation drive na ito dahil tiyak na maraming mga buhay ang kanilang mabibigyan muli ng pag-asang makabangon.

Labis na hinahangaan ang mga personalidad na nagsisilbing instrumento upang makatulong sa kanilang mga kapwa na nangangailangan.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *