Sampung Katotohanan Kung Bakit Importante ang Pag-inom ng Maligamgam na Lemon Water

Ang pag-inom ng lemon juice na inilalagay sa maligamgam na tubig ay naging popular na rin sa ating mga Pilipino. Ito ay dahil na rin sa napapabalitang magandang epekto nito sa ating kalusugan. Ang lemon juice kasi ay mayroong mga bitamina at mga antioxidants na siyang tumutulong upang labanan ang mga sakit na dala ng mga bakterya sa ating kapaligiran. Punong-puno rin ito ng Vitamin C na siyang tumutulong para mas lalong lumakas ang ating immune system.

(Courtesy: www.google.com)


Maliban sa mga ito, ang lemon ay maari mo ring magamit para sa mga sumusunod na problema sa kalusugan:

1.Para sa mga tigyawat



Ang lemon ay itinuturing na mabisang panlinis ng ating balat dahil mayroon itong acidic effect na siyang nagtatanggal ng mga unhealthy skin cells sa ating balat. Dahil dito, epektibo silang pantanggal ng mga tigyawat pati na rin ng mga peklat na dulot nito. Para magawa ang bagay na ito, kumuha lang ng isang lemon at pigain ang katas nito saka ipahid ng dahan-dahan sa nalinisan ng mukha.

(Courtesy: www.google.com)

Itigil ang paggamit nito kung hindi kayo hiyang sa paggamit ng lemon.

2. Sipon at Ubo

Ang taong kulang sa vitamin C o mababa ang immune system ay madalas kapitan ng ubo at sipon. Kaya naman kung nais mong makaiwas sa sipon at ubo ay mas mabuting uminom ka lagi maligamgam na tubig na may halong lemon araw araw dahil pampatibay ito ng immune system.

3. Pampatibay ng kuko

Ang lemon juice ay pamapatibay rin ng kuko dahil nagtataglay ito ng vitamin C na siyang nagpoprotekta sa kuko laban sa pagkasira na dulot ng mga fungi at bacteria. Mabisang paraan rin ito upang mapanatiling maputi ay malinis tingnan ang ating mga kuko.

4. Pamamaga at Pananakit ng mga kasukasuan

Ang regular na pag-inom ng lemon juice at maligamgam na tubig ay mabisang paraan upang malunasan ang pamamaga at pananakit ng mga kasukasuan na dulot ng arthritis. Ito ay dahil natutunaw nito ang mga uric acid na nakapalibot sa ating mga buto na siyang nagdudulot ng pagsakit nito.

5. Pagpapapayat

Isa sa mga dahilan kung bakit marami ang umiinom ng lemon water ay dahil mabisa itong paraan ng pagpapayat. Maliban kasi sa Vitamin C ay mayaman din ang lemon sa pectin, isang uri ng fiber na siyang nagkokontrol sa ating pagkagutom. Kaya naman kapag regular kang umiinom ng lemon water ay mapapansin mong hindi ka kaagad nakakaramdam ng gutom o hindi ka nagccrave ng mga matatamis at maaalat na pagkain.

(Courtesy: www.google.com)

6. Pananakit ng apdo

Ang ating apdo ang siyang responsible sa pagtunaw ng mga taba sa ating kinakaing pagkain. Kaya naman kapag kumakain tayo ng sobrang matataba o mamantikang pagkain at sumakit ang ating tiyan, ibig sabihin nito ay nahihirapan ang ating apdo na gawin ang kaniyang trabaho. Para maiwasan ang ganitong pangyayari, mas mabuting ugaliing uminom lagi ng lemon water bago kumain nang sa gayun ay malinis ang ating tiyan.

(Courtesy: www.google.com)

7. Bato sa Kidney

Ang lemon water ay mainam ding panlaban sa pagkakaroon ng bato sa kidney. Ito ay dahil mayaman rin ang lemon sa potassium, isang uri ng mineral na nagpapataas ng citrate sa ating mga ihi at siyang pumipigil sa pagkakaroon ng oxalates na di-kalaunan ay nagiging bato o crystal.

8. Pananakit ng katawan at panghihina

Matapos magehersisyo o maghapong trabaho ay madalas nakakaramdam tayo ng pananakit ng ating katawan at panghihina. Ang pag-inom ng maligamgam na lemon water ay makatutulong upang maiwasan ito hindi lamang dahil sa mabango nitong amoy na nakakarelax kundi dahil na rin sa kakayanan nitong maibalik ang nawalang electrolytes sa ating katawan na siyang nagbibigay sa atin ng lakas.

(Courtesy: www.google.com)

9. Para sa may Fibromyalgia

Ito ay isang uri ng karamdaman na nagbibigay ng pananakit sa buong katawan na hindi mo maipaliwanag. Ang taong mayroong ganitong kondisyon ay nahihirapan rin sa pagtulog at minsan ay nag-iiba ng pag-uugali. Ayon sa ilang pag-aaral, ang mga taong umiinom ng lemon water araw-araw ay malaki ang tiyansang makaiwas sa nasabing kondsiyon.

10. Pagkalason

Kung madalas kang kumakain sa labas, mainam na ugaliing uminom ng lemon water upang maiwasan ang pagkalason o food poisoning. Ayon sa mga eksperto ang lemon ay mayaman sa asido na siyang mabisang pangpuksa sa mga bacteria sa ating pagkain na nagdudulot ng pagkalason.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *