Sana All Ng Lalaki Ganito! Lalaki Mas Piniling Gumawa Ng Gawaing Bahay Kaysa Maglaro Ng Mobile Games

Nakasanayan na, na talagang ang mga babae ang gumagawa ng mga gawaing bahay. Mula sa pagluluto, paglalaba, paglilinis, paghuhugas ng plato, etc. Ngunit hindi ibig sabihin na dahil gawain ito ng mga babae ay hindi na dapat gawin o matutunan ito ng mga lalaki.

Di ba’t mas kahanga-hanga ang mga lalaki na marunong magtrabaho ng mga gawaing bahay? Katulad na lamang ng isang lalaking ito na mas pinipili raw niyang gumawa ng mga trabaho sa bahay kaysa tumambay at maglaro ng ML (Mobile Legends).



Labis na hinangaan ang lalaki na si Norvin Esplana ng mga netizens dahil bibihira na lamang ang mga katulad niyang lalaki na mas gustong gawin ang paglilinis, paghuhugas ng plato, pag-aayos ng bahay, at paglalaba.

Photo Credits: Norvin Esplana/ Facebook

Aniya sa kanyang post,

“Lalaki ako pero mas pipiliin kung gawin to kesa sayangin ang oras ko sa pagtambay at paglalaro ng ML hahaha. Para naman matuwa ang uuwi.”

Tiyak naman kasi mas masarap umuwi at tumira sa bahay na malinis at maayos. At mas maganda nga namang kasama ang mga taong marunong magtrabaho sa mga gawaing bahay kaysa sa mga tamad at wala ng ginawa kung di maglaro na lamang ng mga mobile games.



Wika ng ilang netizens, “Sana all” daw ng lalaki ganito. Hindi iyong tipong kung kelan lang sinumpong ang kasipagan ay doon lang magtatrabaho at tutulong.

Komento ng isang netizen, hindi naman masama na magkaroon ng “ME” time o gumawa ng mga bagay na makakapagpalibang sa iyo tulad ng paglalaro ng mga mobile games. Basta ang importante ay hindi mo dapat tinatalikuran at kinakalimutan ang mga responsibilidad mo sa inyong tahanan. At ang kailangan lang talaga ay disiplina sa sarili.

 

Photo Credits: Norvin Esplana/ Facebook
Photo Credits: Norvin Esplana/ Facebook
Photo Credits: Norvin Esplana/ Facebook
Photo Credits: Norvin Esplana/ Facebook

Narito pa ang ilang komento ng mga netizens:

“Ang linis ng bahay. Nakakatuwa sa lalaki marunong maglinis sa bahay. Maglaba at magluto. Sana lahat ng lalaki ganyan. Bibira na lang sa lalaki mahilig maglinis ng bahay.”

“Mas maganda talagang organize at malinis ang bahay.”

“Nasa lalaki pa din yan kahit na naglalaro ng kung ano mang online games or sa barkada. Basta alam mo yung limitation mo dahil may nakaabang na gawaing bahay sayo.”



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *