Sender Naipadala Ang Php10k Sa Maling Tao, Kusang Ibinalik Sa Kanya

Malaki ang naitutulong ng mga online cash transfer applications sa pagreremit at pagtatransfer ng pera. Isang click lamang kasi sa iyong cellphone ay automatic nang makakapagpadala ng pera sa kung sino man ang gusto mong padalhan.

Ngunit ang downside lamang dito, kapag nagkamali ka ng pindot ay maaaring mapadala ito sa ibang tao at maaaring hindi na maibalik sayo. At talagang malaking aberya kapag nangyari ang sitwasyon na ito sa iyo.



Samantala, isang netizen na nakilala bilang Sheryll Dijamco Abril ang nagbahagi ng kanyang istorya sa Facebook patungkol sa maling taong napadalhan niya ng malaking halaga ng pera.

Image from: Google

Nagpadala kasi diumano ang sender ng Php 10,000 gamit ang Gcash app pero na-isend niya ito sa ibang tao na nagngangalang Ed Michael Monares. Kung sa ibang tao lang ito naipadala ay tiyak na hindi na niya ito makukuha pang muli.

Pero mabuti na lamang at ang maling taong kanyang napadalhan ay mabait, kung kaya’t kusang ibinalik ng receiver nang buo ang perang naipadala ni Sheryll. Nag-iwan pa ito ng maiksing mensahe na nakalagay,



“This is to return the erroneous 10k deposit, from Ed.”

Laking pasasalamat naman ni Sheryll at naibalik pa ang kanyang sampung libo. Narito ang kanyang naging pahayag:

“WORTH SHARING.

Marami pa rin mga mabubuting tao sa mundo.

Thank U so much SIR ED MICHAEL MONARES, for sending back mistakenly sent Cash. Di man po tayo magkakilala ang I know nothing about you, but I thank God for you. YOU HAVE EARNED CREDITS TO HEAVEN. GOD BLESS YOU PO. Kung sino man nakakakilala sa kanya, although I have already talked and thank him, still please send him my heartfelt gratitude and Good deed worth sharing.”

Photo Credits: Sheryll Dijamco Abril/ Facebook
Wika ng mga netizens na sana ay mas dumami pa ang mga mabubuti at matapat na tao tulad ni Ed. At nawa’y maging inspirasyon siya para tularan ng marami.
Kung alam na hindi talaga para sayo ay ibabalik at ibabalik anu man ang mangyari. Matuto na huwag tayong papasilaw sa pera dahil tiyak na mas maraming blessings ang babalik kung nanatili tayong mabait at honest sa ating kapwa.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *