Simpleng Bahay Kubo, Pero Ang Loob Moderno Ang Disenyo

Ang bahay kubo ay isa sa mga tradisyunal na bahay ng mga Pilipino. Gawa ito sa simpleng materyales tulad ng kahoy, pawid, sawali at kawayan. Kahit na sa modernong panahon natin ngayon ay marami pa rin ang mga Pinoy nananinirahan sa mga bahay kubo partikular na sa mga probinsya.

Mas presko kasi ang loob ng bahay na ito kung dahil mas madaling nakakapasok ang sariwang hangin.



Ibinahagi ng netizen na si Bresa Buccat Bernardo Ibasitas sa kanyang Facebook account ang bunga ng kanyang pagsisikap sa pag-oonline selling. Ito ay ang kanyang naipagawang bahay kubo na ang interiors nito ay katulad ng sa mga modernong bahay.

Photo Credits: Bresa Buccat Bernardo Ibasitas/ Facebook

Mayroon itong aircon, sliding windows, double deck bed at dinagdagan pa nila ng mga makukulay na ilaw sa loob.

Aniya sa kanyang post, “SIMPLE HOUSE BUT ELEGANT INSIDE.”

Photo Credits: Bresa Buccat Bernardo Ibasitas/ Facebook

Makikita kasi ang modernong disenyo sa loob ng kanyang naipundar na bahay. Di mo aakalain dahil sa ganda ng pagkakadisenyo sa loob nito ay isang simpleng bahay kubo ang labas nito.

Saad niya sa kanyang post na proud siya dahil ang kanyang mga gustong mabili ay nabibili na niya dahil sariling pera niya ang kanyang ginagasta at hindi na umaasa sa mga magulang. Kahit puyat at stress ang kanilang inaabot sa pag-oonline selling ay nakapag-ipon naman siya para makapagpatayo  ng sariling bahay.



Aniya,

“Oo, may mga customers an mahirap at masungit pakiusapan, buti na lang mas maraming nagtiwala at mababait na customers an dumadating. Sabi nga nila mahirap kumita sa Pinas pero ang importante gumagawa ka ng paraan para kumita.”

Photo Credits: Bresa Buccat Bernardo Ibasitas/ Facebook

Nag-iwan pa siya ng inspiring na mensahe sa kanyang mga kapwa online sellers at sinabi na,

“Kaya sa mga kapwa ko online sellers na may pangarap tulad ko, kapit lang darating din yung time niyo. Sipagan lang walang impossible!.”

Gumasta siya ng Php70,000 sa pagpapagawa ng kanyang bahay kubo na ang laki ay 6×16 ft kasama na ang mga wirings, sliding window at aircon type.

Photo Credits: Bresa Buccat Bernardo Ibasitas/ Facebook

Kung dati ay nakikitulog lamang siya at walang sariling kwarto, ngayon ay mas makakapagpahinga at makakapag-relax na siya sa kanyang munting bahay.

Wika nga niya,¬†“From IMPOSSIBLE to POSSIBLE.”



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *