Simpleng Kubo Lang Sa Labas, Pero Sa Loob Ay Moderno Ang Disenyo

Kilala ang mga bahay kubo dito sa Pilipinas dahil ito ang mga tradisyunal o mga sinaunang bahay ng mga Pilipino. Pero kahit na hanggang ngayon ay mayroon pa ring mga mas pinipiling tumira sa bahay na ito partikular na ang mga naninirahan sa mga baryo o bukid.

Bukod kasi sa mas preskong tumira dito ay mura lamang ang mga kagamitan para makagawa ng bahay na ito katulad ng kawayan, pawid at sawali. Kung kaya’t ang isang pamilya na ito na taga Libona, Bukidnon ay nagpatayo ng kanilang sariling bahay kubo pero iniba ang konsepto ng loob nito.



Sa post na ibinahagi ng may-ari ng bahay na si John Paul Cortes Lamoste ay ipinakita niya ang kanilang dream house bahay kubo. Kwento niya na noong sinimulang gawin ang kanilang bahay ay dalawa sana ang kanilang magtatrabaho. Ngunit dulot ng quarantine, ang isa nilang trabahador ay hindi na natuloy.

Photo Credits: John Paul Cortes Lamoste/ Facebook
Photo Credits: John Paul Cortes Lamoste/ Facebook

Kaya naman ang isa nalang nilang tauhan sa paggawa ng bahay ang siya nang nagsilbing engineer, architect, mason at labor. Tumutulong-tulong na lamang si John sa iba pang mga gawain. Pero mamamangha kayo, kahit na kulang ang kanilang manpower ay nabuo naman ng maganda at maayos ang kanilang bahay.

May Php280,000 na budget ang mag-asawa na nakalaan para sa kanilang dream house. Ang lupa na kinatatayuan ng kanilang bahay ay nabili nila sa halagang Php130,000 at ang natirang Php150,000 ay kanilang pinagkasya upang mabuo ang kanilang 200sqm na bahay.



Simple man ang panlabas na itsura nito, kapag naman pumasok ay di niyo aakalain na nasa loob kayo ng bahay kubo dahil sa modernong pagkakadisenyo nito sa loob. Iyon daw talaga kasi ang plano nilang mag-asawa, na gawing simple ang labas per sa loob ay maganda at maaliwalas.

Photo Credits: John Paul Cortes Lamoste/ Facebook
Photo Credits: John Paul Cortes Lamoste/ Facebook
Photo Credits: John Paul Cortes Lamoste/ Facebook

Sa loob ng kanilang bahay ay kumpleto naman dahil mayroon itong living room, kitchen, bedroom at toilet. Bahagi ni John na kahit simple ang kanilang bahay ay napaka-fulfilling naman dahil pinaghirapan nilang mag-asawa para mabuo ito.

Namangha naman ang mga netizens sa simple pero magandang disenyo ng bahay ni John. Kung kayo, pipiliin niyo rin bang tumira sa ganitong bahay?



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *