Tatay, Nag-iikot at Nag-aalok Ng Gardening Services Matapos Matanggal Sa Kanyang Pinapasukang Trabaho

Malaki talaga ang naging epekto ng pandemya sa ating buhay. Maraming mga negosyo ang nagsara, maraming mga manggagawa ang nawalan ng trabaho.

Katulad na lamang ng isang tatay na ito na dati bago magkaroon ng pandemya ay mayroon siyang regular na pinapasukang trabaho bilang isang hardinero. Subalit ng magka-pandemya ay napilitan siyang maghanap ng ibang pagkakakitaan dahil natanggal siya sa kanyang pinapasukan.



Ang kwento ni tatay ay naibahagi ng page na Philippine Star sa Facebook. Nakilala ang lalaki bilang si Tatay Andres Barrameda Mañoza, 56 taong gulang.

Photo credits: Philippine Star/ Facebook

Lulan ng kanyang pedicab ay ang kanyang mga kagamitang panlinis sa hardin at makikita siyang umiikot sa mga kalye ng BF Resort Village sa Las Piñas City upang mag-alok ng kanyang maintenance at gardening services.

Ayon sa anak ni Tatay Andres na si Andrea Mae ay nag iikot-ikot raw ang kanyang ama sa BF Resort Vilalge sa loob na ng mahigit isang taon upang maghanap ng mga cliente na mag-aavail ng kanyang serbisyo.



Aniya, “Nagstart po nung nag-pandemic tapos tinuloy niya ang pag-iikot simula po noong umalis siya sa amo niya kasi hindi na siya kayang pasahurin.”

Dagdag pa nito, minsan raw ang kanyang ama ay makakakuha ng dalawang cliente sa isang araw subalit dahil sa pagdami ng bilang ng kaso ng Covid ay madalang na lamang na may magpatrabaho sa kanya.

Photo from: Google images

“Mag-iikot po siya sa BF nagbabakasakali na may magpalinis po, minsan isa o dalawa po nakukuha niya sa isang araw [pero] madalas po walang nagpapa-garden.”

Bahagi ni Andrea na takot raw ang kanyang ama na mahawaan ng virus subalit wala itong ibang magawa kundi isugal ang kanyang buhay para lamang may maipakain sa kanyang pamilya.

“Natatakot din po siya baka magka-COVID po siya sa labas pero wala naman po choice kasi po kailangan niya po magtrabaho. Pinapaalalahanan na lang po namin na magdala siya lagi ng alcohol at mask, at pag-uwi po niya magbibihis agad.”

Ang mga serbisyong inoofer ni Tatay Andres ay maintenance at gardening services na nagkakahalagang Php300- Php500.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *