Tenant, Hindi Pinagbayad ng 3 Months Na Renta at Inayudahan pa ng Sako ng Bigas

Sobrang pasasalamat ng isang tenant sa may-ari ng kanyang inuupahan dahil bukod sa hindi na siya pinagbayad ng tatlong buwang upa sa apartment ay binigyan pa siya ng isang sakong bigas. Ibinahagi ni netizen Marron Leynes ang kabutihang natanggap niya mula sa may-ari ng inuupahang apartment. Laking pasasalamat niya dahil hindi na siya pinagbayad ng tatlong buwang renta magmula noong ipatupad ang enhanced community quarantine sa Luzon.

Si Leynes ay nangungupahan sa isang apartment sa Lipa, Batangas. Kwento niya, dahil nahihiya na siya sa may-ari ay napagpasyahan niyang magbayad na ng upa. Ngunit bigla umano nagchat ang anak ng may-ari sa kanya na nasa Italy. Aniya, ibabalik umano sa kanya ang ibinayad ng renta. Sa pag-aakala niyang ang bayad lang ng renta ang ibinalik sa kanya, ngunit may pahabol rin palang isang sakong bigas.

Kaya naman laking tuwa at pasasalamat ni Leynes sa may-ari ng bahay dahil sobrang laking tulong na ang ibinigay sa kanila. Binigyan rin daw ng isang sakong bigas ang iba pang tenants sa apartment at hindi rin pinagbayad ng upa. Ayon kay Leynes napakabuti ng kaniyang inuupahan dahil kahit na malaking kawalan sa negosyo nila ang ginagawa ng mga nangungupahan sa kanila dahil sa delayed payments ay nagagawa pa nilang magbigay ng ayuda para sa lahat.

Dahil dito, napatunayan nanaman ng mga pinoy ay sinasabing bayanihan para sa bawat isa. Masasabing talagang lahay ng Pinoy ay nagtutulungan sa oras ng kagipitan at pangangailangan. Kaya naman marami din tuloy ibang mga may ari ng paupahan ang gumawa ng ibang gimik katulad na lang ng pagbibigay ng discount para sa mga nangungupahan o pagpapaliban din umano ng bayad para sa isang buwan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *