Ugaliin Niyo na ang Paggamit ng Olive Oil Dahil sa mga Benepisyo Nito Lalo na sa mga may Problema sa Puso

Olive oil, Ito ang kinokonsiderang pinaka-healthy na langis na nararapat sa atin para mapanatiling malusog ang ating katawan. Gamitin ito sa pagluluto ng inyong pagkain upang mas makuha ang benepisyo nito. Gayunpaman, Ang mga dalubhasa ay sumasangayon na ang olive oil ay maganda ang maihahatid sa atin lalo na kung ito ay extra virgin. Kaya naman alamin na kung ano ang mga mahahalagang benepisyong idudulot nito sa atin. Ano-ano nga ba ang mga ito?

(Courtesy: www.google.com)

Ang mga epekto sa kalusugan ng pandiyetang taba ay nakapa-kontrobersyal. Kaya naman ang Extra Virgin Olive Oil ay kinikilala bilang isang pinakamataas na kalidad ng olive oil. Kung saan kinuha mula sa prutas na olive nang walang ano mang ginamit o hinalong kemikal.

Ito ang anim na benepisyo ng Extra Virgin Olive Oil:

(Courtesy: www.google.com)

1. Source of Antioxidants and Healhty Fats

Isa sa mapagkukuhanan ng antioxidants at healhty fats ang olive oil. Sa pagsama nito sa inyong diyeta ay nagdudulot ng kagandahan sa ating kalusugan. Mapapalayo pa tayo nito sa mga sakit na karaniwang nakukuha dahil sa hindi tamang pagdiyeta. Tulad na lamang ng high blood, diabetes at mataas na cholesterol.

2. Reduce Heart Disease

Sabi nila pinakatridor na sakit ang puso. Dahil ito ang pinakaimportanteng organo kung bakit patuloy na nabubuhay ang isang tao. Kaya naman ang napakaganda ng olive oil para sa ating kalusugan. Sapagkat, Ito ay naglalaman ng mga pinagsama-samang aktibong numero na may magandang kontribusyon sa kalusugan ng ating puso. At Sa pananaliksik ng mga dalubhasa napag-alaman na ang pagkonsumo rito ay lubos na makatutulong upang malayo sa ano mang panganib na dulot ng sakit sa puso o mga kaakibat nito.

3. Lower Risk Of Diabetes

Walang ano mang gamot ang makakapagpapagaling ng sak!t na diabetes. Ngunit may mga paraan kung paano ito mapapanatiling normal ang taas ng asukal sa ating dugo. Sa mga gustong mag-ingat, makaiwas o sa mga taong dumaranas na nito ay napaka-mainam ang pagkonsumo ng olive oil dahil may kakayahan itong mapabuti ang sensitivity ng insulin sa ating katawan. Hindi lamang iyon may kakayahan rin itong maprotektahan ang ating kalusugan laban sa diabetes. Idagdag pa ang tamang sukat ng asukal sa ating dugo na kung saan mailalayo tayo sa komplikasyon na dulot ng sak!t na diabetes.

4. Make your food more nutritious

Ang pagluluto gamit ang olive oil ay napakaganda para sa atin at sa mga taong pinaghahandaan mo. Tinutulungan nitong mapanatili at madagdagan ang nutrisyon na tinataglay ng ano mang lutuing pagkain. Ngunit kung hindi tama ang inyong langis na gagamitin ay maaaaring mawala o masira ang nutrisyon na dapat na makuha mula sa pagkain.

5. May improve bone health

Sa ating pagtanda ay karaniwan na ang paghina ng ating mga buto. Ngunit kung ito ay pag-iingatan habang bata pa lamang ay mapapanatiling matagal ang lakas ng ating buto at pangangatawan. Kaya naman ang olive oil ay makatutulong sa atin. Sa pagkonsumo sa mga nutrisyon na taglay nito mapapatibay at lakas nito ang ating buto. Mababawasan ang panganib sa pagkawala ng lakas ng ating buto sa ating pagtanda.

6. Good For Brain Health

May mahalagang nilalaman ang olive oil na napakaganda para sa kalusugan ng ating utak. Ayon sa mga mananaliksik ang tamang pagkonsumo sa olive oil ay matutulungang malinis ang mga magdudulot ng pagkasira sa ating utak tulad na lamang ng Alzheimer at Dementia.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *