Vlogger, Ibinigay Sa Isang Magsasaka Ang Bisikletang Napanalunan Niya Sa Raffle

 

Ayon nga sa isang kasabihan, “Share your blessings.” Alam naman natin na hindi pare-parehas ang estado ng buhay ng bawat tao. May mga taong nakaka-angat at mayroon ding mga taong lugmok sa kahirapan.

Ngunit bilang isang mabuting mamamayan, lalo na kung ikaw ay nakaka-angat sa buhay, dapat ay matuto kang tumulong sa iyong mga kapwa. Dahil sa ganitong paraan ay naipapamahagi natin ang mga biyayang natatanggap natin. At malay mo, ang biyayang iyong ibinahagi ang siya palang makakapagpabago sa buhay ng ibang tao.



Sa isang post na ibinahagi ng FB page na Becoming Filipino, ibinahagi ng vlogger na si Kyle Jennermann o mas kilala bilang “Kulas,” ang kanilang naging karanasan nang sumali sila sa isang bike fun ride. Bahagi niya,

“Today happens to be the 117th Araw ng Cateel. Ang this morning, the local cycling club organized a socially distant Fun Ride! It was awesome. We cycled 18km, from the seawall, to the main Cateel Sign and back again.”

Photo Credits: BecomingFilipino/ Facebook

Aniya, kasama ang kanyang kaibigan na si Jandee ay nakilala nila ang isang 67 taong gulang na magsasaka na si Tatay Romeo Abragan na 40 taon ng residente doon.

Araw araw ay ginagamit niya ang kanyang bisikleta para makarating sa lupang kanyang sinasaka na 5 kilometro ang layo papunta at 5 kilometro pabalik sa kanilang bahay. Kung kaya’t bakas na sa kanyang bisikleta na luma na ito at marami na itong pinagdaanan.



Habang sila ay magkasabay na nagpepedal sa kanilang mga bisikleta ay napag-usapan nila ang tungkol sa ‘raffle’ na magaganap pagkatapos ng event.

Pangako ng vlogger na kapag natawag raw ang numero nito sa pinapa-raffle na bisikleta ay ibibigay niya raw ito kay Tatay Romeo.

Photo Credits: BecomingFilipino/ Facebook
Photo Credits: BecomingFilipino/ Facebook

At ‘good karma’ nga kung tawagin, dahil napakaswerte niya at siya ang nanalo sa raffle. Para bang tinadhana siya na manalo para maibigay ang bagong bisikleta sa magsasaka.

Dagdag niya sa kanyang post,

“Now Tatay Romeo Abragan has a new bike! Thank you Cateel Cycling Club for providing so much positive, environmentally friendly, and healthy fun today for the community! Not to mention giving away so many raffled bikes… which went to people like Tatay!”

Photo Credits: BecomingFilipino/ Facebook

Pinuri rin niya ang munisipalidad dahil sa ginagawa nilang mga events tulad nito na nagpo-promote ng healthy outdoor activity para sa mga tao doon lalo na’t napakalawak at napakaganda ng kanilang natural environment. Hindi rin naman daw nakakapagtaka kung kaya’t ang local cycling club doon ay patuloy ang pagiging popular nito.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *