Walong Benepisyo ng Balat at Dahon ng Mangga na Hindi Natin Napapansin

Ang manga ay isa sa mga paboritong prutas ng mga Pilipino. Ito ay isang uri ng halamang tropiko na tumutubo lang sa mga lugar na nasa rehiyong Tropiko kung saan kabilang ang Pilipinas. Karaniwang makikita ang puno nito sa mga taniman na nasa mabababang lugar at maging sa mga bakuran. Ang puno ay mataas, malaki at maraming dahon. May bulaklak na madilaw tumutubo nang kumpol-kumpol. May bunga na may malaking buto sa gitna ay maaaring kulay berde kung hilaw at dilaw kung hinog.

(Courtesy: www.google.com)

Ang iba’t ibang bahagi ng halamang manga ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:

1. Ang bunga ng manga ay may iron, at mataas na lebel ng vitamins A, B, at C. May taglay din ito na citric, tartaric at mallic acids.

2. Ang buto ay mayroong langis, oleostearin, starch, gallic acid, at tannin

3. Ang mga dahon at bulaklak ay may taglay na humulene, elemene, ocimene, linalool at nerol. 

4. Makakuha naman ng phenols, flavonoids, tannins, at saponins sa dahon.

5. Ang balat ng kahoy ay mayroon namang mangostine, 29-hydroxymangiferonic acid, mangiferin at flavonoids.

(Courtesy: www.google.com)

Ano ang mga sak!t at kondisyon na maaring magamot ng pagkain ng mangga?

1. Ubo

Mabisa para sa ubo ang pag-inom sa inumin na nilagyan ng murang dahon ng manga.

2. Pagtatae

Ginagamit naman na panlunas para sa pagtatae ang pinaglagaaan ng balat ng kahoy at buto ng manga. Maaari ding gamitin ang pinaglagaan ng ugat ng manga. Ang pag-inom sa katas ng dinikdik na dahon ay may kapareho ring epekto.

(Courtesy: www.google.com)

3. Pagkawala ng boses

Makatutulong para sa panunumbalik ng nawalang boses ang pinaglagaan ng dahon ng manga. Maaari din itong ihalo sa pulot o honey at inumin na parang tsaa.

4. Galis sa balat

Maaring gamutin ang pagsusugat at pangangati ng balat na dulot ng galis sa pamamagitan ng paglalagay ng langis na hinaluan ng dagta mula sa balat ng kahoy ng manga.

(Courtesy: www.google.com)

5. Diabetes

Ang sak!t na diabetes ay maaaring matulungan ng pag-inom sa tubig na hinaluan ng dinurog na tuyong dahon ng mangga. O kaya naman ay pag-inom sa pinaglagaan ng sariwang dahon ng manga.

6. Paso

Ang abo naman ng sinunog na dahon ng manga ay mabisa para sa mga sugat at paso.

7. Bulate sa sikmura

Mabisa ding pangontra sa bulate sa sikmura ang pagkain sa loob na bahagi ng buto ng hilaw na manga.

(Courtesy: www.google.com)

8. Hika

Nakatutulong din ang pinulbos na buto ng manga para sa mga sintomas na nararanasan dulot ng hika.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *